High!buhay Artist
Itong panulat/kolum na ito ay halaw sa isang regular na kolum sa Remate. Ngunit dito sa Xsena, ito ay isang melodramatikong paglalahad ng pakikibaka sa buhay ng mga alagad ng sining na kapupulutan ng aral ng ating mga suking buyers, gallery goers, groupies, curators, atbp. Bagama’t ’di tiyak na makakapaggantimpala ang mga patnugot ng Xsena sa mga tatanghaling Best Stories na inyong isusumite, ito nawa’y magsilbing gabay o kahit man lang panandaliang aliw para sa inyo, inspirasyon man kung sakali. Kaya’t simulan na ang pagtangkilik ng pahayagan na ito at mapabasakali na ang inyong buhay ay matuunan ng pansin (lalo na kung ramdam nyo na kulang kayo sa pansin). Maaring magpadala ang artist/pintor/skultor/ performance artist/photographer/ film maker/ writer/ art dept/ production designer/ set man/ gaffer/ foley/ soundman/ art teacher/ illustrator/ musician at sino pa man ng kanyang kasaysayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang makikita sa High!buhay Artist. Lakipan ito ng larawan na nasa aktong gumagawa ng obra at kasama ng pamilya o katropa saka ipadala sa High!buhay Artist c/o Xsena blah blah blah blah.
____________________________________________________________________________________
Jordan Leyva Orriocerio : Di Masaya Ang Opening Kung Walang Toma
Si Jordan Leyva Orricerio o minsan ay JLo sa kanyang mga malalapit na kaibigan ay isang pintor na nakabase sa Murphy, Cubao tabi ng isang overpriced na carinderia at isang shawarmahan na ang may-ari ay mga Ilokanong Muslim. Kasama niya ditong nananahan ay ang kanyang kasintahan na si Nelia Estuwardo na isa ding artist. Sa una’y mukhang mabangis na hayop ang anyo ni JLo dahil sa kanyang makapal na buhok at pasuray-suray na paglakad, ngunit sa malalapit na kaibigan siya ay matataguriang walang katapat – mabait, mahusay makisama, masayahin at mapagparaya. Marami ding mga kritiko at patron ang sa simula’y natatakot sa kanya ngunit naglaon ay nadiskubre din nila ang kaniyang pambihirang galing at kakaibang mga imahe kanyang naipipinta. Patunay nito ang pagkapanalo niya sa isang patimpalak para sa sining at pagdagsa ng mga alok sa pag-eeksibit sa ibang bansa. Ang iba dito’y kanyang tinalikuran dahil naniniwala siya na ang tunay na pakikibaka ng isang artist ay nanatiling sa kanyang sarili pa din at sa kanyang pinagmulan.
Xsena : Ano ang iyong pinipinta at estilo ng iyong pagpipinta?
JLo : Shit man. Ewan ko kahit ano. Style ? Wala!
Xsena : Bakit pagpipinta ang iyong napiling hanapbuhay ?
JLo : I’m a painter kasi.
Xsena : Gaano ka na katagal sa hanapbuhay na ito ?
JLo : This is forever, man.
Xsena : Ano ang dati mong trabaho ?
JLo : Tambay.
Xsena : Paano ang iyong kita bilang pintor: Sapat ba, kulang, katamtaman o sobra?
JLo : Kulang at sobra.
Xsena : Ano ang iyong kakayahan o talento bukod sa pagpipinta ?
JLo : Wala – matulog, kumain, tumoma. Tsaka pala mahusay akong kumanta ng “My Way”.
Xsena : Paano nakatutulong ang mga ito sa iyong paghahanapbuhay bilang pintor?
JLo : Wala. Walang epekto. Masaya lang kasi tumoma at kumanta, di ba?
Xsena : Ano ang paborito mo sa kwentuhan at bakit?
JLo : Kalokohan lang para masaya lang pero yung may sense naman, men.
Xsena : Sinong ibang artist o gallery ang paborito mo at bakit?
JLo : Wala ako lang. Gallery wala din, pare-pareho lang sila.
Xsena : Sinong ibang artist o gallery ang pinakaayaw mo at bakit?
JLo : Marami, halos lahat. Ewan ko kasi nagbabago naman ginagawa nila habang tumatagal. Siguro yung mga taga. . . . . ay huwag na lang. Baka bugbugin nila ako.
Xsena : Sa pagdating ng panahon, para kanino ka – kay Lord o kay Satanas?
JLo : Ay no comment ako diyan.
Xsena : Ano ang hindi mo makakalimutang karanasan sa iyong hanapbuhay?
JLo : Wala e, lagi ako knock-out o me hang-over.
Xsena : Ano ang mensahe mo sa iba kaugnay sa iyong karanasan ?
JLo : Huh? A. . . e.. . . .Pag beer, beer lang, hard, hard lang. O tapos na tayo?
No comments:
Post a Comment